Hay Sarap!

posted Monday, 8 September 2008
dalawang linggo na ang nakaraan ng mapunta ako sa day shift. nag-leave kasi yun katrabaho ko dahil nanganak ang mrs nya. dahil hindi naman masyadong bisi sa pm shift, sinabihan ako ng aking amo na lumipat muna ako sa day shift pansamantala habang nagbabakasyon ang katrabaho ko. bago pa man ako nagsimula sa day shift, sinabihan na ako ng aking amo na kailangan kung mag-ot at ito naman ay babayaran nya. biruin nyo nung 1st two days, nag-ot ako ng 2hrs. pagtanggap ko ng aking payslip, nakalagay dun 5hrs! bonggacious di ba? pero syiempre kinausap ko ang aking amo dahil gusto kong ipaabot sa kanya na sobra yun natanggap kong ot. sumagot sya na alam naman daw nya yun dahil tinutulungan ko sya so tutulungan din nya ako. mabuti ng sinabi ko yun sobrang oras sa ot dahil alam ko naman na hindi ako nagtrabaho ng extrang 2hrs. ayaw ko naman isipin ng aking amo na matakaw ako sa pera *hahaha* pero nagpapasalamat ako (as in sobra!) na dinagdagan nya ang ot hrs ko Smile
 
nung ikalawang linggo ng pagtatrabaho sa day shift, sinusulat ko sa'king diary kung anong oras ako nagsimula at natapos. kailangan ko kasing gawin ito para nga meron akong record ng ot ko. yun kasi ang bilin sa'kin ng amo ko. sobrang aga kasi ng pasok ko. gising na ako ng 3.50am. babangon ako sa'king kama ng 4.10am. magbibihis ako then aalis ng bahay ng 4.30am. darating sa trabaho ng 4.40am. meron pa akong 20mins para magkape at magpahinga. simula ko kasi ay 5.00am at natatapos ako (kasama na ang ot) ng 3.00pm-3.30pm. tagal 'di ba? sa totoo lang, ang bilis ng oras. buong araw akong nakatayo at nakakaupo (at nakakapahinga!) lang ako kapag tanghalian na. heto pa ang ikinatuwa kong mabuti... pagtanggap ko ng aking payslip, nakita ko 13 something hrs ang nakalagay sa ot ko. wow!!! samantalang alam ko 7hrs lang ot ko. dinoble na naman ng aking amo ang ot ko. wala talaga akong masabi. sobrang pasasalamat talaga! swerte talaga ako sa trabaho kong ito Smile



1. Flisha left...
Monday, 15 September 2008 7:45 am :: http://www.randomdetox.com

Hi Jaleesa! Working hard, sis? :) Tried to comment sa commentbox mo, dunno if pumasok, "moderated" daw e... Anyways, have a nice day!


2. laryuki left...
Tuesday, 23 September 2008 8:16 am :: http://laryuki.blogdrive.com

whaaaaaaaaa!!!!

guato ko na rin magtrabaho para sa boss mo!!! kahit pa araw araw niya akong ipag OT okay lang sakin yun... mamahalin ko pa rin siya ng buong puso ko hahaha lol =)))

dapat parangalan yang boss mo... sobra... sana ganyan din ang ugali ng mga boss dito sa pinas... kaso lang baliktad ang mga utak ng mga boss dito sa pinas... lahat ata mga manggagancho na at iisahan ka pa... mga animal na ang mga tao dito kaya walang gana magtrabaho dito at walang kwenta...


3. jaleesa left...
Tuesday, 23 September 2008 10:40 am

hi sis flisha, long time no hear. thanks for dropping by. yeah, i'm working hard always *hahaha* ingatz

larz, grabe ka talaga *lol* sige dito ka na lang mag-work. i'm sure matutuwa sila sa'yo dito *hehehe* ingatz


Best viewed on

Firefox 2

What's My Mood Today?

My Unkymood Punkymood (Unkymoods)

My Calendar of Confessions

««Jul 2009»»
SMTWTFS
    1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031

Word of Wisdom

Currently Listening To/Watching...

Just Got Paid by Keith Sweat from his concert "Sweat Hotel" All Star Finale

Who Visited My Site

My Confession Box

~ bing ~
hey, jaleesa! not updating anymore? happy V day to you and to your family!
~ marikitsy ~
its amazing how this place stays sunny amidst all artic fisco's goin around.. hehe.. just dropping by nini!
~ kat ~
sis, welcome back! (hehe feeling nasa oz)
~ jay ~
musta po? Merry Christmas in advance... ;)
~ laryuki ~
dumadaan po ulit... may kasalanan pala ako sayo hehehe =P sabihin ko pag nagpang abot tayo sa YM =P
~ airwind ~
bakit di lumabas yung msg ko :(
~ airwind ~
hello poh!!!
~ john ~
Hi, everybodyn
~ laryuki ~
daan daan lang po...
~ jaleesa ~
hi larz and katz. hope you two are doing well. thanks for the visit :) ingatz

My Confessions Mailing List

Hit Counter

Total: 367,132
since: 10 May 2005

Photo Gallery

Blog Status

  • 4 yrs 7 wks 6 days old
  • Updated: 3 Jul 2009
  • 595 entries
  • 1,938 comments

Latest Commented Entries

Facts #1

Tuesday, 10 March 2009 12:48 P GMT+11

Before Taking A Nap

Monday, 2 March 2009 1:36 P GMT+11

10 Steps To Happiness

Tuesday, 17 February 2009 1:25 P GMT+11

Happy 30th Birthday Erwin!

Thursday, 2 October 2008 1:19 P GMT+11

Happy 30th Birthday, Sis!

Thursday, 23 October 2008 12:36 P GMT+11

RSS Add-Me